Tugon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan
Huwebes, Agosto 27, 2015
Hindi
nagkapagtataka na hanggang ngayon ay naghihirap parin ang bansang Pilipinas.
Dahil sa kawalang aksyon ng Gobyerno. Maraming mga proyekto ang nasayang,
maraming kabataang Pinoy ang hindi nakakapag-aral at maraming mamamayang
Pilipino ang lubog sa kahirapan. Bilang isang kabataan maraming responsibilidad
ang nakasalalay sa atin dahil tayo ang susunod na henenerasyon na tutuwid at
tatama sa baluktot na pamamaraan. Meron nga tayong kasabihan na ang kabataang pinoy
ang pag-asa ng bayan.
Maraming
isyu ang hindi agad natutugunan at nabibigyan ng agarang solusyon isa na dito
ang lumalalang traffic sa Metro Manila. Marami na ang nagrereklamo at naabala
lalong lalo na ang mga estudyante, mangagawa, empleyado at mga negosyante na punong-puno na dahil
nadadamay ang kanilang negosyo. Bumababa ang kanilang kita at unti unting nalulugi
ang kanilang hanapbuhay. Isa lang ito sa daan daang problema ng Pilipinas na
dahilan ng patuloy na pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
Saan na ba
ang pangako ng Gobyerno na maglilingkod ng marangal sa mga mamamayan. Itutuwid
ang daang baluktot at bibigyang solusyon ang mga problema. Sa panahon ng
eleksyon lang ba ito napapansin o gobyerno lang talaga ang kulang sa pansin.
Kailan ba tayo kikilos sa panahon pa ba na ang buhok ni P-noy ay maubos. Atin
ng panindigan na ang kabataan ang nagging dahilan kung bakit ang ating bansa’y
yumaman.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)