Huwebes, Agosto 27, 2015






Hindi nagkapagtataka na hanggang ngayon ay naghihirap parin ang bansang Pilipinas. Dahil sa kawalang aksyon ng Gobyerno. Maraming mga proyekto ang nasayang, maraming kabataang Pinoy ang hindi nakakapag-aral at maraming mamamayang Pilipino ang lubog sa kahirapan. Bilang isang kabataan maraming responsibilidad ang nakasalalay sa atin dahil tayo ang susunod na henenerasyon na tutuwid at tatama sa baluktot na pamamaraan. Meron nga tayong kasabihan na ang kabataang pinoy ang pag-asa ng bayan.
Maraming isyu ang hindi agad natutugunan at nabibigyan ng agarang solusyon isa na dito ang lumalalang traffic sa Metro Manila. Marami na ang nagrereklamo at naabala lalong lalo na ang mga estudyante, mangagawa, empleyado  at mga negosyante na punong-puno na dahil nadadamay ang kanilang negosyo. Bumababa ang kanilang kita at unti unting nalulugi ang kanilang hanapbuhay. Isa lang ito sa daan daang problema ng Pilipinas na dahilan ng patuloy na pagbaba ng ekonomiya ng bansa.

Saan na ba ang pangako ng Gobyerno na maglilingkod ng marangal sa mga mamamayan. Itutuwid ang daang baluktot at bibigyang solusyon ang mga problema. Sa panahon ng eleksyon lang ba ito napapansin o gobyerno lang talaga ang kulang sa pansin. Kailan ba tayo kikilos sa panahon pa ba na ang buhok ni P-noy ay maubos. Atin ng panindigan na ang kabataan ang nagging dahilan kung bakit ang ating bansa’y yumaman.